joy & believing

Husband to Joy. Father to Belle and Ivan. Creative Writer. Illustrator. Musician. Film Enthusiast. God-worshipper.

Tuesday, June 20, 2006

Waiting For Zion 10 (Ivan's Here!)




(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

10. Ivan Zion’s here!

6:15 a.m.

May tumatawag daw sa ‘kin sa baba. Si Dra. Susan Maaño, asking for the digital camera.

“Ayaw kasing bumaba ng bata. Malaki. 5 cm pa lang siya.”

“Sa tingin mo doktora okay lang ‘yun?”

“Oo. Okay lang ‘yun. Matulog ka na lang muna ulit…Siguro mga after one hour…”

Mukhang bagong gising din si Dra. Susan.

***

7:01 a.m. FROM ATE BUT:
Don lumabas na Ivan? Kumusta diyan?

7:01 a.m. FROM ATE LANIE:
Ok. Pahinga ka muna after operation. Palitan kita mmyang gabi. Don’t wori sa financial GOD is faithful to His promises! Musta na operation.

Around 7:30 a.m.

I was contemplating whether to eat the leftover fish from last night o kung kakainin ko ba ang hospital food na di-neliver: 2 slices of longganisa and sunny side top egg.

Naisip ko baka maaga pumunta sina Nanay, eh siya ang nagluto ng isda. Kaso masyado na akong nabusog sa dalang tinola ni Edong kaya di ko nagalaw ‘yung pritong isda. Isasabay ko na lang sa pagkain, at least, na-appreciate ko man lang ‘yung effort ni Nanay na magluto.

Kahit ngarag kailangan kong kumain para may lakas. For the past 28 hours na nag-labor si Joy, I kept on praying to God to sustain me and give me strength. Kahit inaantok or disoriented, kailangang mag-focus. So ipinagpatuloy ko na ang ritwal ng pagkain ng pagkaing ospital.

Hindi pa yata ako nakakalimang subo, puti pa lang ng itlog ang nakakain ko, may pumasok na isang babaeng staff.

“Mr. Gonzalez, gusto na po kayong makausap ni doktora sa baba. Lumabas na ho ang anak niyo.”

Buti na lang nalunok ko na ang nginunguya ko.

Siyempre, hindi ko expected na gan’un kabilis dahil one hour at least ang expectation ko. Roughly, nasa mga 30plus minutes pa lang.

Pero gan’un pala ang pakiramdam kahit pa sabihin mong second baby na namin ‘to. Hindi nawawala ang excitement, ang enchantment.

More or less alam ko na na si dra. Maaño ang naghanap sa ‘kin dahil si Dra. Codilla na rin ang nagsabing si Dra. Maaño ang unang haharap sa ‘kin dahil abala pa siya sa susunod na operational procedure, ang tubal ligation.

Ang unang sinabi sa akin ni Dra. Maaño, “6:48 siya lumabas.”

She was all smiles. Ipinakita niya agad sa ‘kin ang mga kuha niya sa digicam. Ang gaganda ng mga shots. Elibs ako.

Ang nakita ko agad ang close-up shot ni Ivan na nakapikit pa pero umiiyak at nakabukas ang bibig.



“Kamukha ni Joy.”

Napag-isip ako. Paano kayang kamukha ng asawa ko? Sa kulay? Sa mata? Sa ilong? Sa labi?

Nakuha ni Ivan ang ilong ng mama niya.

“8.1 pala siya. Nagulat nga kami akala naming nasa 7 lang.”

“Ang laki niya.” Ako.

“Kaya hindi talaga siya lalabas sa normal. Ang laki niya.”

“Okay naman ang baby, doktora?”

“Healthy baby boy.”

I felt so relieved. Finally, at the back of my mind, may magpapatuloy na sa angkan ko.

Tiningnan ko muli ang mga shots na kuha ni Dra. Maaño. Kumpletos rekados. Magmula nung kinukuha pa lang ang ulo niya, hawak siya sa paa ni Dra. Codilla, ang orasan sa wall clock kung anong oras siya lumabas, maging mga posterity shots kung saan bitbit na siya ng midwife at maging ng kanyang pediatrician. Amused din ako sa light blue, parang neon color ng umbilical cord na nakakabit pa kay Ivan.

Mabilis pa sa alas-kuwatro napudpod na ang mga daliri ko kaka-text sa mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan at maging mga kasamahan sa trabaho at ini-relay sa kanila ang magandang balita: Praise God! IVAN ZION A. GONZALEZ, is born at 6:48 p.m. 8.1 lbs. Thanks for your prayers.

Finorward ni Ate But kay Ate Lanie ang text message.

Si Ate Lanie ang nakapansin ng isang detalye na na-overlook ko: Bakit 6:48 p.m? As in, p.m.?

Sinabi na lang ni Ate But kay Ate Lanie na siguro ngarag na ako kaya imbes na a.m., eh p.m. ang nailagay ko. Naaawa na raw sa ‘kin si Ate Lanie dahil nung nagpunta daw sila ni Rachel eh pulang-pula na ang mga mata ko.

On my part, agad ko rin naman napansin ang mistake. Kinorrect ko na sa mga sumunod na tinext ko.

Salamat sa Diyos!

Thank you LORD for giving IVAN ZION to us.

***

7:22 a.m. FROM MR. YU (Ma’s friend)
I am hapi for you Lola! For Joy and Don, Congratulations!

7:35 a.am. FROM AIDA GARCIA (Friend from WWCF Makati):
Congrats friend J God bless your family.

7:36 a.m. FROM ATE BUT:
Don nilaligate n Joy? Kita mo na Zion? Kamukha mo? Tisoy din? Pogi ba?

7:40 a.m. FROM ATE BUT:
Wow Yes!!! Another tisoy fr. D Phils! Don, 5 na tayo mapute, date 2 lang tayo, PTL!

7:40 a.m. FROM OFEL (Friend and Co-worker in WWCF)
Grabe ang laki ñ babay boy…Congrats…

7:41 a.m. FROM ATE JHE:
PTL! CS nga? How is Joy?

7:43 a.m. FROM ATE BUT:
Ano yun umbilical cord? Bsa ko sa buk, 1 in a million yung ganong case a.

7:44 a.m. FROM TITA JO:
Thank GOD! Welcome to the world, IVAN ZION!!! Congratulations to JOY & DON for this great gift from the LORD…GOD BLESS d mom, d son n d dad…Amen!

7:47 a.m. FROM MARILOU (Friend and Co-worker at the Office)
CONGRATS!

7:52 a.m. FROM MOMMY ANNE (Mom of my best friend, Don Patawaran):
CONGRATULATIONS! NOW U HAV ADDED ANOTHER POGI GONZALEZ in d fanily of GOD. HOW IS JOY SAN SIYA NAGDELIVER. HOWS D LOLA GANDA?

7:57 a.m. FROM ATE BUT:
Yehes. Tuwangtuwa tlga ko nung tinext mo na maputi din c Ivan!!

7:58 a.m. FROM ATE BUT:
Kelan uwi c Ivan kung 3-5 days pa diyan c Joy? Dapat iuwi na siya.

7:58 a.m. FROM WILMA (Friend and co-worker in WWCF)
Congrtas! Praise God!

8:02 a.m. FROM ATE JHE:
Luv u 2! Hallelujah, God is faithful!

8:04 a.m. FROM JESS ZARA (my co-manager at the office)
Thank God, daddy ka na naman.

8:04 a.m. FROM TITA MYN MISHUKU (Ma’s and Joy’s friend)
Wow! It’s a boy! Praise the Lord! God is Great! I am happy for you.

8:19 a.m. FROM ATE WENG OLILA (Friend and co-worker at WWCF)
Congratulation Papa Don and Mama Joy.

8:37 a.m. FROM ATE NANCY ( Friend and co-worker at WWCF):
Praise the Lord! Talagang napakabuti Niya sa inyong mag-asawa minsan na naming napatunayan ang kanyang pagmamahal…

8:39 a.m. FROM REACH
Kumpare congrats! Tatay ka na ulit at nakalalaki ka na! God bless u n keep u more!

9:14 a.m. FROM ATE BUT:
Don magkano CS? Ask ni TJ.

9:21 a.m. FROM JOY ZAFRA (my beloved cousin in Colorado, USA):
Congratulations! PTL!

9:34 a.m. FROM MARICEL HUNGRIA (Friend and co-worker at WWCF)
Oi, Congratulations! San nanganak c Joy? Nakalabas n ba siya? I heard may feasting daw kmi upon her delivery!

9:52 a.m. FROM MA:
I am with u all today…sharing ur joy and laughters.

10:16 a.m. FROM ATE NANCY:
Kung alam mo lang kung gaano ka naming na namiss sobra at lam naming kung gaano ka kahalaga sa amin sa music ministry nagging part ka na sa life ko. Thanks sa pagtitiwala na maging isa sa mga ninang ng anak mo, san na Joy haus na ba siya? Mis u. GBU!

10:40 a.m.: FROM BONG D. (Good friend and kumpare)
Congrats sa new baby nyo. May nagtext sa kin kanina 09104417126. Kilala mo kung kanino no. yun?

11:13 a.m. FROM BONG D.
‘Yun din, pray for ate Joy…

11:40 a.m. FROM RHOLYN (Friend and co-worker at WWCF)
CONGRATS. WOW, KOMPLEZ NA. 1 NA LANG AT ME ATE AT KUYA NA. SANG OSPITAL. KHAPON B XA LUMABAS. NINANG KMI HA? PASYAL KMI SA INYO MINSAN KASAMAM 3 BATA MIS NA NILA ARA AT ERIKA C BELLE.

12:11 p.m. FROM ATE BUT:
Ok Tnks. Ang dame email from Ix n TJ to welcome IVANgelizaZION! (coined by Ix).

2:44 p.m.FROM ZAIDA DE LOS SANTOS (Dear friend and kumara)
Congratulations, kuya Don! J

2:49 p.m. FROM ZAIDA
Surely! S’an hospital pala?

4:25 p.m. FROM JESS
Hi Don. Kumusta c baby boy, sino kamukha.

4:57 p.m. FROM JESS ZARA:
Wow, kamukha mo, okay kita tayo tom.

5:55 p.m. FROM BRYAN:
ok nb c Ate? Kumusta lagay nila mgina?

6:03 p.m. FROM ATE BUT:
Grabeh ang PUTI nga ni Ivan at ang TABA!!!

8:21 p.m. FROM ATE BUT:
Sa email! Lalake talaga features niya kase c Belle grl na grl when lumabas. Kaso nakapikit pa siya d mo makita kanino nagmata mata.

8:25 p.m. FROM ATE BUT:
Yun ilong parang Joy, yung bibig sa yo. Hindi pa uwi c Ivan?

9:12 p.m. FROM ATE BUT:
Ganon? Kelan uwi Ivan? Nakita na ni Joy? 2mawag din tita Jo kanina sa kin sabi nga niya parang CS talaga tingin niya date kay Joy kase nga lake tiyan.

9:26 p.m. FROM BRYAN:
Kuya musta na c Ate at ang baby? Kelan b lbas s hospital?

9:57 p.m. FROM JOIZAF:
Yup! Guwapo ni Ivan…Congrats!

***
(to be continued…)


Labels:

Wednesday, June 14, 2006

The promise of a Guam sunset...


My brother, Frederick professed his love for Mariam, my wonderful and beautiful sister-in-law, actually the only sister-in-law that I will ever have...

This picture was taken by Ate But at Outrigger Resort Hotel last June 3, 2006…

Their lives had just begun…

Labels:

Waiting For Zion 9


(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

9. cs

May 4, 2006
5:00 a.m.

Dra. Codilla advised na wala nang choice but for Joy to deliver via caesarian section. Hindi bumababa si Ivan, and she remains in 5 cm.

As I’m writing this tumutulo ang luha sa mata ko. I don’t know. Ano ba inaalala ko?
Ang gastos? Ang mga pangamba ko?

I don’t know. Maybe it’s just my release from the pent-up tensions I have been experiencing for the past 28 hours or so.

Siguro naiiyak ako dahil nakikita ko kung gaano kahirap hugutin ang isang buhay.

Dini-distract ko na lang ang sarili ko sa mga trivial comic relief na magpapagaan sa nararamdaman ko.

Isa na itong nakapaskel sa Labor room: PLEASE TURN OFF LIGHTS WHEN NOT IN USED.

O kaya’y iniisip ko ang kulambo ni Joy.

Inabutan na ako ng consent form para sa c.s. at ligation procedures. Sa nakita kong hirap na dinaanan ni Joy, hindi na ako kailangang magdalawang-isip pa.

Eksaktong pagkasabi ni Dra. Codilla na mag-si-caesarian si Joy, iniabot sa akin ang cordless phone. Si Ma.

I informed her the news. Without missing a bit, she led me into a prayer. Prayer for the doctor’s wisdom, for the right decision that I believe in His will; for the smooth and great condition of my mag-ina, Joy and Ivan.

5:11 a.m. FROM BRYAN:
Kuya ano na balita?

5:18 a.m. FROM ATE LANIE:
Gud am. Musta na c Joy?

5:35 a.m. FROM ATE BUT:
Ok lang yun Don me pera naman tayo don’t wory. By the blood of Jesus n by the Power of the Holy Spirit Joy and Ivan is just great!

5:31 a.m. FROM ATE LANIE:
Just trust in d Lord.

5:56 a.m. FROM ATE BUT:
Finorward ko na rin TJ, Ix, Pa re: dun sa txt mo about Joy c.s. Relak ka lang.

5:53 a.m. FROM ATE BUT:
For recovery daw? Ok lang yun ang importante, safe n healthy c Joy n baby Ivan! Hallelujah!

6:05 a.m. FROM ATE LANIE:
Cge nagtext brigade na ako. C Inay muna ppunta mamaya nako punta kc malelate nko.

***

Psalm 91

1 He who dwells in the shelter of the Most High will rest in the shadow of the Almighty.

2 I will say of the LORD, "He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust."

3 Surely he will save you from the fowler's snare and from the deadly pestilence.

4 He will cover you with his feathers, and under his wings you will find refuge; his faithfulness will be your shield and rampart.

5 You will not fear the terror of night, nor the arrow that flies by day,

6 nor the pestilence that stalks in the darkness, nor the plague that destroys at midday.

7 A thousand may fall at your side, ten thousand at your right hand, but it will not come near you.

8 You will only observe with your eyes and see the punishment of the wicked.

9 If you make the Most High your dwelling— even the LORD, who is my refuge-

10 then no harm will befall you, no disaster will come near your tent.

11 For he will command his angels concerning you to guard you in all your ways;

12 they will lift you up in their hands, so that you will not strike your foot against a stone.

13 You will tread upon the lion and the cobra; you will trample the great lion and the serpent.

14 "Because he loves me," says the LORD, "I will rescue him; I will protect him, for he acknowledges my name.

15 He will call upon me, and I will answer him; I will be with him in trouble, I will deliver him and honor him.

16 With long life will I satisfy him and show him my salvation."


***

(to be continued…)

Labels:

Monday, June 12, 2006

Waiting For Zion 8



(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

Picture above: Mama Joy and Belle at Amuyong, Cavite.

8. Kulambo

6:06 p.m. FROM ATE LANIE:
Musta na Joy?
Ok pauwi na ‘ko.

6:10 p.m.

Mula sa labas ng delivery room narinig ko ang boses ng isang bagong attendant.

“Misis, sabihin niyo na lang sa akin kung masakit na masakit na. Ibig sabihin malapit na ‘yon.”

It’s been almost 14 hours.

Naiiyak na si Joy, sa tingin ko more on pagkainip than sa muling pagbalik ng irregular contractions.

Inaliw-aliw ko na lang siya.

Sinubukang magpatawa.

Sinubukang mamilosopo.

May pumasok kasi na ale, isang attendant na nasa late 50’s at sinabing may humahanap daw sa baba sa husband ni Mrs. Gonzalez.

Sa kalituhan ko, akala ko duktor na ‘yung tumawag. At sa kalituhan ko rin, ito ang naitanong ko sa bagong attendant: “Nagle-labor na ba siya, Miss?”

Siyempre ang sagot, “Oo.”

Narinig ni Joy ‘yun, at medyo nainis sa ka-ignorantehan o sa pamali-mali, o sa pagkataranta ko.

“Siyempre, kaya nga Labor room ang tawag dahil nagle-labor na ako dito.”

Semplang.

Dinaan ko na lang sa tawa.

“Tapos, gusto mo pa ng isa pa…”sabi niyang malumanay.

“Ang hirap pala talagang manganak.”

Nakikita ko kasi ang isang babae ring nakahiga at nagle-labor. Wala na ang naunang babaeng nakita ko, sini-c.s. (caesarean section) na raw.

Hinihimas-himas ko ang ulo ni Joy, pati na rin ang kanyang pisngi. May sumilip na munting luha. Siyempre, tinatagan ko ang sarili ko.

“Konting tiis na lang.”

***

6:30 p.m.

Pumasok sa OB ward ang may edad na’ng desk clerk.

“’Yun pong may mga pasyenteng nasa O.R. pa, puwede niyo na hong kainin ang pagkain nila tutal hindi pa naman sila puwedeng kumain.”

Tumingin siya sa ‘kin. May pagka-Bella Flores look-alike siya.

“Kayo rin, sir, puwede niyo na’ng kainin.”

Tumungo lang ako.

6:59 p.m.FROM REACH, MY CO-WRITER KUMPARE
Layo pero punta ako pag ok na sya or nasa bahay na.

6:48 p.m. FROM ATE BUT:
Na flase alarm lng ata knina noh? Kumusta Joy? Ngarag k na? Dpt relyebo kayo muna ni Inay. Mg freshen up ka muna.

7:43 p.m. FROM BRYAN:
Kuya musta na jn?

7:52 p.m. FROM ATE BUT:
Uy sory wala kme diyan a, d rin naman puwede babad dyan Matty. 4 sure pg nanganak na siya myamya andyan kme bukas. Mgaleng na kame Matty.

7:53 p.m. FROM ATE BUT:
Ano dala namen bukas? Cake?

8:17 p.m. FROM ATE LANIE:
Musta na Joy, punta ba ko diyan?

8:18 p.m. FROM ICKO:
I will. We hav been! In Jesus’ name. Ivan come out! Healthy & Happy! J Safe normal delivery. Amen!

8:27 p.m. FROM ATE LANIE:
Nanganak na ba? Cge, punta ko diyan luto lang inay. Collapse nga ako kanina.

***

Ang tagal dumating ni Dra. Codilla. Nakakainis. Nakakainip. Feeling helpless talaga kami.

Kinukulit na rin namin ang mga staff: Ano ba ‘yang on the way ni doktora kaninang tanghali pa ‘yan eh gabi na?

Sanay na siguro sila. Ang parati na lang nilang sinasabi, mino-monitor naman ni doktora ang progress.

8:37 p.m. FROM ATE LANIE:
Ok nko punta, dalhan ba kita damit?

9:10 p.m. FROM PTR. CHRIS:Kuya nanganak na po ba?

9:11 p.m.: FROM. PTR. CHRIS:
Ok po. The LORD IS WITH YOU ALWAYS! GOD BLESS PO!

***

9:30 p.m.

Dumating Ate Lanie with Rachel. Brought me clothes and food…

Iniabot rin nila ang letter from Belle.

9:36 p.m. FROM ATE BUT:
Tlaga? PTL!
Normal delivery yun steps?

9:41 p.m. FROM ATE BUT:
Ok, ganun bawal below 10, tnks for the info. O cge sa LP na lang bukas Amen! O cge, cake na hindi white icing!

9:53 p.m. FROM ATE BUT:
In Jesus’ name! Amen!


9:45 p.m. FROM BRYAN:Ano kuya, nanganak na ba?

9:50 p.m. FROM ATE LANIE:
D2 pa ko, bili ng C2. Tulog daw Joy sabi nurse.

10:44 p.m. FROM EDONG:
Don! Musta na? Musta c Joy? Nanganak na ba? Sori ngaun lang ko nag-reply dmi n kc ko ginawa sa bhay (Mommy). Bka bukas ko nlang balikan ung caserola. K? Tnx. Nakauwi na kami.

***

It’s five minutes before 12 midnight.

Nakatulog ako for about two hours.

Bumaba ako. Dra. Codilla and her assistant was examining Joy. Nasa 4 cm na raw pero manipis na. Inalisan na siya ng pampahilab around 11:30 p.m. Normal at regular na ang contractions niya.

According to Dra. Codilla, eto ‘yung tutoong-totoo na.

Both Dra. Codilla and her assistant were fervent in looking at the wall clock, doing their interval counts.

Pinag-usapan namin ‘yung maliit na piraso ng kulambo ni Joy, ang kanyang security blanket o ‘comfort zone’ bang matatawag, ani doktora.

Sa tingin ko, magaling siyang doktora. Relaxed na relaxed, not a bit of apprehension o insecurity sa kanyang ginagawa.

At hindi ko makalimutan ang sinabi niya sa amin ni Joy whenever may mga doubts kami – “Just pray.”

As usual, nahahabag ako kay Joy. May sinubong tissue sa kanya damped with water at ipinahid sa lips niya at pinakagat sa kanya.

Pag dumarating ang contractions, kahit nasasaktan si Joy, polite pa siya kung ikukumpara daw sa iba na talagang nagwawala at nag-ba-bayolente.

“Matulog ka muna,” sabi ni doktora sa akin.

“Tatawagin ka na lang namin.”

Napakatahimik ng kapaligiran ngayon. Umuwi na buhat dito sa OB ward ang tatlong mga babaeng nagsipanganak na uwi ang kanilang mga sanggol.

It’s been 22 hours since we were admitted sa E.R.

***

May 4, 2006

12 midnight.

As per Ma, birthday daw ito ni Tita Flor, who’s now based in texas, U.S.A.

12:36 a.m. FROM TITA CLE: bakit matagal yung labor?

MY ANSWER: Hi Tta Cle. Nakaidlip ako. May ginagawa 4 steps doctora niya. Regular na hilab niya. By 4 or 5 a.m. maka 10 cm na.

12:42 a.m. FROM ATE BUT:
Nagle-labor na c Joy?
Kumusta diyan?

12:45 a.m. FROM ATE BUT:
Wow Praise the Lord! Yes 5 cm na!

2:01 a.m. FROM ATE BUT:
Uy text mo na lang ako pag nagle-labor na c Joy ok! Ptl!

4:06 a.m.

Refreshed after a much-needed sleep, bumaba ako ng second floor para alamin ang latest developments.

Naka-lock ang Delivery/Operating/Labor room.

Bumaba ako sa lobby to take a piss.

Natanaw ko mula sa lobby na tanging ang Revo ang naka-park sa harapan ng Christ the King.

Checked my cell phone, si Ate But lang ang may last message.

Balik ulit ako sa second floor. Napansin ko ang dark green painted wall kung saan nakahiga si Joy. Ididikit ko sana ang tenga ko para makinig.

Napansin kong may mga siwang, mga paintless portion ng salamin. A la Sherlock Holmes, sumilip ako.

Nakita ko si Joy na nakahiga nang tahimik. Nangiti ako nang mapansing nila-laro-laro ng paa niya ang maliit na kulambo.

Siya lang mag-isa, wala sa tabi niya sina Dra. Codilla at ang assistant nito kanina.

It’s achy to wait. Talaga.

Lalo na siguro si Joy.

So technically, we’ve been here for more or less 26 hours.

***

Kanina pala, bago ako muling pahapyaw na ‘nagnakaw’ ng tulog, naisip ko si Belle.

May padalang sulat si Ate Lanie galing sa kanya. Eto ‘yung nakatuping parang sombrero ang korte, ang paboritong fold ni Belle halimbawang may ipapakipit siyang sulat niya sa akin mapa-birthday, Valentines, Christmas, o maging kung papasok lang ako sa opisina:

May SOP heart shape pa ‘yun sa may fold.

Efforts nila ito ni Angelyn.

Dear Papa and Mama,

I Mis you very much
I mis my brother baby Ivan
I mis you all when I was here
I cried I mis you very so much
Sana manganak ka na mama

Love: Ate Belle


D’un ko lang naisip na since Belle was born, eto lang ang dalawang magkasunod na gabi na hindi niya nakatabing matulog ang kahit na isa sa amin ni Joy.

Ayoko kasing mag-take ng risk na papuntahin siya dito sa ospital dahil siyempre, nagkalat ang mikrobyo dito. Di ba may nakapaskel nga sa second floor na bawal ang mga bata na below 10 year old?

Pero kampante naman ako knowing ang parehong lola niya ang makakasama niya sa pagtulog. Either kay Lola Luming or si Mommy (Ma).

4:30 a.m. na.

Bababa ulit ako sa second floor para alamin ang developments sa pagle-labor ni Joy.

***

(to be continued…)



Labels:

Ang Haing Buhay Ng Salvador Bros.








ANG HAING BUHAY NG SALVADOR BROS.
Isang Kuwentong Pambata ni Don R. Gonzalez


“Tatlo na lang ba iyan?”

Sa kinalalagyan ko, makikita ko ang dalawa kong kapatid na magkatabi at mahimbing na natutulog sa magaspang na semento. Gusto ko sana silang gisingin para magtanong, pero naisip ko, baka puyat sila, kaya mas binuksan ko na lang ang magkabilang tenga ko kahit pupungay-pungay pa ang dalawa kong mata.

“Walo talaga sila, pero namatay ang dalawa at hindi na lang namin nakita. Palagay ko kinain iyon ng nanay nila. Iyong tatlo naman pinamigay na ni Mommy mga tuta pa lang dahil hiningi ng mga kapitbahay namin. Si Brownie inborn kasi ang pilay, hindi na ipinamigay dahil naaawa kami. At iyang si Blackie at si Whitey kay Shirley at para kay Emong. Ayaw maghiwalay niyan sa kulungan kahit pa maya’t maya nag-gigirian!”

***

Ako si Brownie.

Mula sa kinatatayuan ng apat kong mga paa dito sa may tarangkahan, naririnig ko ang boses-na-tila-galing-sa-balon ni Mang Goryo, ang matandang magtataho na dumaraan tuwing umaga sa harap ng bahay habang kausap ang aking among si Bernard.

“Ang dami kasing anak ng aso namin. Naisip ko baka gusto niyo,” alok ni Mang Goryo.

“Naku, Mang Goryo, tama na ho muna iyang tatlong aso. Isa pa, kailangan pa ng gatas ng mga iyon. ‘Wag niyo munang iwalay sa ina.”

“Ganun ba? Sabihin mo lang sa akin Sir Bernard kung gusto mo pa ng tuta. Bibigyan kita.”

Si Bernard, ang mataba pero guwapo kong amo ang nagbigay sa akin ng pangalan ko. Nagta-trabaho siya sa isang TV network bilang isang reporter. Beinte anyos na siya pero kaka-gradweyt pa lang niya sa haiskul nuong ipinanganak kaming magkakapatid. Nuong walong taong gulang daw kasi siya, nagkaroon siya ng unang asong babae. Parati kong naririnig sa mga kuwento niya na mahal na mahal niya ang asong ito. Pero isang araw daw bago ipinanganak ang pangalawa nilang si Shirley, bigla na lang daw itong tumamlay na akala mo’y nalason. Sa bisperas daw ng kapanganakan ni Shirley, naratay sa karamdaman ang asong iyon. Iyak daw ng iyak ang amo kong si Bernard. Nahimasmasan lang siya nang kausapin siya ng kanyang nanay. “Huwag ka na’ng malungkot, Bernie, alam mo bang sinalba ng buhay ng aso natin ang buhay ng kapatid mong si Shirley?”

Premature baby kasi si Shirley. Sa sandaling lumakas daw siya at inalis na sa incubator, tsaka naman daw binawian ng buhay ang asong alaga ng amo kong mabait. At magmula nga nuon, parati kong naririnig ang kuwento na iyon. Ang mga aso daw, o ang mga pusa, o maging ang mga halaman ay ginagamit minsang ‘pansalba’ kaya kami daw ang kailangang magsakripisyo para mabuhay o gumaling ang ilan sa kanila.

Kaya nuong pinanganak kami, binigyan kami ng nanay ni among Bernard ng apelyido: Salvador. Wala na siguro kaming rason para kuwestiyunin kung bakit napaka-typical ng binigay sa aming mga pangalan. Dahil kulay brown ako, Brownie. Ang maputi, si Whitey, at ang maitim, si Blackie. At least, may apelyido kami. Hindi man masyado original ang binigay sa aming pangalan, kahit pap’ano, alam naming mahalaga kami sa kanila.

Si among Bernard ang natokang mag-alaga sa akin. Pag papakainin na ako, maririnig ko ang sabi ng nanay niya, “O, Bernie, pakainin mo na ang ‘anak’ mo, nagwawala na at narinig na ang boses mo!”

Minsan nga lang nagtatampo ako. Nuon, umaga pa lang lumalapit na siya sa akin para himas-himasin at kargahin pa ako. Papaliguan niya ako gamit ang hose, sasabunin ng dog shampoo hanggang mabulang-mabula ang aking balahibo. Ilalapat pa niya ang ilong niya sa ilong ko at hihimasin ang mga binti at ilalim ng tiyan ko. Pero ngayon? Ewan ko ba. Minsan ang dumi-dumi ko na pero parang hindi niya ako napapansin. Kahit ang ebak ko hindi niya nalilinis. Minsan, gutum na gutom na ako at uhaw na uhaw ay nakakalimutan niya akong bigyan ng makakain at maiinom. Sa pagkabagot ko siguro, nangunguya ko na kahit ang plastik na palanggana at maging ang bakal na rehas na kinalalagyan ko.

Pag kausap niya ang mommy niya sa loob ng bahay, parati kong naririnig sa kanya, “Deadlines! Ang dami naming deadlines ngayon!”

May isang beses pa nga na padabog siyang lumabas ng bahay habang may kinakausap sa kanyang cell phone. Kinahulan ko siya. Nagtatalon ako sa dalawang paa habang winawagayway ko ang dalawang kamay ko kahit na halos masakal ako ng kadena sa leeg. Isipin mo pa na hindi pantay ang dalawang paa ko dahil maliit ang nasa kanan. Inborn daw. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit nuong tuta pa lang ako, walang nagka-interes kumuha sa akin. Kumahol ulit ako. Ubod lakas. Deadma. Hindi niya man lang ako pinansin o binati man lang. Naisip ko tuloy ngayon, mahalaga pa ba ako sa kanya? Nasan na kaya iyong mga panahong ipinakilala niya ako sa girlfriend niya, flattered na flattered nga ako n’un kasi ang sinabi pa niya, “Iyan si Brownie, Brownie Salvador. Labs na labs ko ang asong iyan kahit pilay. Ang galing kumanta niyan!”

Sabay upo sa piano ni among Bernard. Tutugtog siya ng isang makabagabag-damdaming “Looking Through The Eyes Of Love” at talaga namang sa intro pa lang, lumawit na ata ang litid ko sa leeg. Papalakpak ang girlfriend ni among Bernard. At matapos niya akong ‘pakantahin’, ay aabutan niya ako ng isang buong pork chop.

***

Ako naman si Whitey.

Sabi ng lolo nina among Shirley, katipung-katipo ko raw si Old Yeller puwera lang sa kulay at laki. Nuong tuta pa lang ako, parati akong tinatabi sa pagtulog sa kama ni among Shirley, na isa na’ng Third Year high school student ngayon. Parati niya akong pinupulbusan at tinatanggalan ng mga pulgas at garapata at tinitiyak niyang malinis na malinis ako bago ako patuluyin sa kuwarto niya. Si among Shirley ang nagturo sa aking dumampot ng Frisbee o boomerang. Dahil duon, aliw na aliw silang kasama ako kapag dinadala nila ako sa malapit na bukid. Bida sa akin ni among Shirley sa mga barkada niya, “Come here, Whitey! Dalhin mo dito ang kahoy na ‘to!” Naging specialty ko ang mag-retrieve ng mga bagay-bagay na tinatapon niya sa ere. ‘Yun nga lang, kapag damit o tela ang inihahagis niya, napanggigigilan ko at madalas punit-punit na ang mga ito kapag ibinalik ko sa kanya.

“Anong breed nga ng mga iyan?” tanong ng isang bisitang kasama minsan niya minsang nakita kaming magkakasama nina Brownie at Blackie: “Mongrel.” “Askal lang pala. Pinapaganda mo pa.” “’Weno kung askal? Maaasahan mo ang mga asong iyan. Kahit ganyan ang mga iyan, mahal namin iyan.”

Nakakataba ng puso! Lalapit sa akin si among Shirley at hihimasin ang taas ng ulo ko. Gustung-gusto ko kapag ginagawa niya iyon. Titiklop ang mga tenga ko. Nakikiliti ako. Tumataas ang mga balahibo ko pati na rin ang buntot ko, “Musta ka na, Whitey? Ang tagal mo nang hindi naliligo. ‘Yaan mo, sa Sabado papaliguan kita.”

Iyon ngayon ang nami-miss ko sa kanya. Nangangati na nga ako dahil hindi na niya ako kinukutuhan. Ngayon lang naman nangyari iyan ah, ngayong nag-high school siya. Bakit kaya parang nawalan na si among Shirley ng panahon sa akin? Ano ba ang high school at tila hindi na niya ako nalalaro nang madalas?

Minsan nakita kong may dalawang binatang lalaki na nagpunta sa bahay. Nagbubulungan sila. “Ano, alukin mo na si Shirley na ikaw ang magiging escort niya sa JS prom! Bilis na!”

Galit na galit ako! Hindi pa man sila nakakatuloy sa tarangkahan ay talagang inilabas ko na lahat ng matatalas kong ngipin para huwag na silang tumuloy. At sino kayo para lumapit sa kanya? Lumabas agad si among Shirley nang marinig ang kahol ko. Parang gusto kong ibida sa kanya na hindi ko patutuluyin ang dalawang lalaking nagbubulungan.

“Shhhhh! Whitey, ano ba? Tigil! Tigil!” Nabato pa ako ni among Shirley ng walis tingting dahil muntik ko na’ng masakmal ang isa sa mga kaklase niya.

Tumahimik na lang ako. Akala ko lang mapapansin ako ni among Shirley, pero hindi pala.

***
At ako naman si Blackie, last, but not the least.

Alaga ako ni among Emong, ang bunso sa tatlong magkakapatid. Sampung taong gulang lang siya at nasa Grade Four. Anim na taon siya nung ipinanganak ako. At alam niyo, kung saan-saan kami nakakarating: sa bukid, sa playground, paminsan-minsan sa may creek kung saan malimit tinutulungan niya akong mangisda!

Ako sa aming tatlo ang kahit hindi napapaliguan, ay hindi nagmumukhang madungis. Nuong ipinanganak kaming walo, tatlo lang ang pinatira ng Mommy nilang tatlong magkakapatid para pagpilian. Pinili ako ni among Emong dahil ang liit liit ko raw. Mukha na raw akong mamamatay at naghihingalo dahil sa payat ako at matamlay.

Hindi ba nabanggit sa inyo ni Brownie at ni Whitey na namatay ang nanay namin pagkapanganak? Sabi ng vet na tumingin kay nanay, naimpeksiyon daw siya at nakakain ng kung anong basurang may virus dahilan para bumaba ang kanyang resistensiya.

Napakabait ni among Emong dahil hindi niya ako nakakalimutang painumin ng cow’s milk mula sa lata at sinusubuan din niya ako ng mga mumo ng biskwit. Hanggang ngayon, pagkagaling niya mula sa eskuwelahan, tinitirhan niya ako ng nabili niyang sitsirya at matakaw ko namang mauubos ang mga iyon.

Parati akong dino-drowing ni among Emong, siguro dahil siya ang pinakamahilig sa arts sa kanilang tatlo. May isang kahilingan lang sana ako, na sana’y maintindihan niyo: Sana, sana lang naman…manatili siyang bata, para hindi ko maramdaman ang nararamdaman nina Brownie at Whitey na napapabayaan na sila.

Isang araw nga lang, nakita na lang naming tatlo na dinala nina Mommy at among Bernard sa ospital si among Emong. Iyak naman ng iyak si among Shirley dahil kailangan nitong maiwan sa bahay. May malubhang karamdaman daw si among Emong at kailangang lumagi sa ospital.

Habang tahimik ang bahay, nag-usap-usap kaming tatlo nina Brownie at Whitey.

“Bakit daw? Bakit nasa ospital ang amo mo?” tanong sa ‘kin ni Brownie.

“Narinig kong sabi ni among Bernard, kailangan daw niya ng blood transfusion.” Dagdag naman ni Whitey.

Hindi ako mapakali. Magdamag akong umaalulong. Parang gusto kong kumawala sa kinalalagyan ko at lapitan si among Emong. Matapos ang ilang sandali, seryoso kong kinausap ang dalawa.

“Siguro panahon na para hubarin ko ang aking kaluluwa.” Kahit ako nagulat sa sinabi ko.

“Ano? Ba’t mo gagawin iyon?”ani Brownie.

“Sigurado ka ba?”sunod naman ni Whitey.

“Sa tingin ko panahon na. Pero kailangan ko munang makawala sa kadenang ito. Sana matulungan niyo ako…”

“Paano ka makakawala diyan?”

Pagkatapos ng isang mahabang pag-iisip, alam ko na ang gagawin ko. Hindi ako kakain. At pag hindi na ako kumain, mangangayayat ako, maaari ko na’ng ilusot ang ulo ko sa maluwag kong kadena.

Ilang araw ang dumaan. Sa mga panahong iyon, nasa ospital lamang si among Emong at ang nasagap naming balita, isang matinding kagat daw ng lamok ang nakapagpababa sa bilang ng pulang dugo nito.

Isang araw, lumapit sa akin si among Shirley at hinatiran ako ng pagkain at tubig. Sa mahina niyang boses, kinausap niya ako: “Blackie, mahinang-mahina si Emong. Miss na miss ko na siya. Sana…gumaling na siya.”

Akala niyo ba porke aso lang kami, hindi kami marunong lumuha? Labis ang kalungkutang naramdaman ko. Pagkaalis ni among Shirley, umalulong ako nang ubod ng lakas. Nanghihina na rin ako, ipinangako ko sa sariling hindi ako kakain at iinom hangga’t ako’y manghina.

Kinagabihan, mabilis akong kumawala sa aking kadena. Binigyan ako ng basbas ng mga kapatid kong si Whitey at Brownie. Anila, ihain ko man sa among Emong ko ang kaluluwa ko ngayong gabi, ay magkikita-kita pa rin kami sa kabila.

Tumakbo ako nang ubod ng tulin papunta sa ospital kung saan nakaratay ang amo kong si Emong. Alam kong kaunti na lang ang oras, at kailangan ko siyang maagapan.

Hinihingal na ako. Para na akong mawawalan ng ulirat. Nakarating ako sa may highway, at sari-saring mga ilaw ang binubulag na ang aking mga mata. Kabi-kabilaan ang dinig ko sa mga businang nakabibingi. May sumigaw pa ngang isang matandang lalaki: “Ang asong iyon tanga! Magpapasaga pa yata!”

Malapit na kaya ako sa ospital? BOG! BOG! Wala na lang akong namalayan at dumilim na ang aking paningin. Pero bago mangyari ang iyon, nakita kong humiwalay na ang aking kaluluwa sa akin pataas. Alam kong ang kaluluwang iyon ay kakatok sa pinto ng langit. At kapalit nuon, ay alam kong ang tiyak na paggaling ng aking mahal na among si Emong. At kinabukasan nga, nang iuwi na siya mula sa ospital na may dagdag na sigla, agad niya akong hinanap. Nagtataka silang lahat kung paano ako nakawala. At napansin rin nilang hindi ko nagalaw ang aking pagkaing napanis na. Pero kung ako ang tatanungin niyo, mas gusto ko na siguro ang lumayo, kaysa masaktan pa ang aking amo sakaling ako’y hindi na niya makita pa.

***

Completed March 2006

Labels: ,

Thursday, June 08, 2006

Waiting For Zion 7




(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

Picture above: baby Tiara Ysabelle A. Gonzalez moments after she was born getting a kiss from Papa Don. Picture taken by Tito Icko, resposible for the 'Tiara' in Belle's name.

7. Make Way For Little Eve

5:20 p.m.

Parang…parang sumisikip na ang mundo nitong munting kamang hinihig’an ko, ang kamang gagamitin ni Joy pagkapanganak niya.

Sa tatlong patong ng unan, sa mga libro at diyaryong nasa mga gilid-gilid nagsusumiksik, tila nagsusumamong muling sila’y basahin.

Nakapatong rin ang isang plastic container na nabili namin nuong pasko sa SM. Mga gamit ng baby: Babyflo, baby wipers, alcohol, Betadine, bibs, etc…

Grabe…ang baho ko na!

Nanlilimahid na ako, nangangati, halos tuyo na ang pawis ko sa suot kong t-shirt; nahulugan ng toothpaste, nawisikan ng tubig, pinaghpahiran na ng dumi at lagkit sa aking kamay.

Kung bibigyan ko ng pamagat ang puwesto ko dito sa OB ward: Ang Lalaking Hindi Pasyenteng Nakahiga Sa Bed No.5. Nakaka-apat na ubos na ‘ko ng medium-sized mineral water, isama ang dalawang medium-sized C2 (iced tea apple flavor), naka-isang special siopao bola-bola, isang tuna cheese pandesal at cheeseburger. Ang tinolang manok pa ni Edong – heto…waiting pa rin sa pagdating ni Ivan sa mundo.

Nakakatuwa. The very reason bakit maaga kaming pumunta dito sa ospital ay dahil sa experience namin nuong year 2000 kay Belle.

Sa kaso ni Belle, sumakit at humilab lang ang tiyan ni Joy nung bago magtanghalian. Hindi agad kami tumakbo sa ospital dahil kasama namin nuon si Tita Clemen, ang tiyang ni Joy na registered midwife.

Kada-daing niya ng sakit, agad naming hihimasin at tatapikin ang upper at lower back niya. Kaya di namin siya tinakbo agad sa ospital, katwiran ni Tita Cle, pag maaga kaming pumuntad’un, paglalakad-lakarin lang naman siya.

Ganun ang siste. Mga anim hanggang walong oras yata ‘yun. Hilab. Wala. Meron. Mayamaya wala.

“Siyempre, hanggang dumating ‘yung oras na hindi na niya kayang tiisin ang sakit.

Ang common line ni Joy n’un: “Diyuskupo. Diyuskupo. Ano ba itong nangyayari sa akin.”

Nahahabag ako. Na nangangamba. Na nagpapakatapang. O nagtatapang-tapangan. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan kong magpakatatag kundi dahil – ‘yung nga – kailangan eh.

Pagdating namin sa klinika ni Dr. Zarate, agad siyang tinanong ng komadrona kung nag-i-interval na ang contractions.

Oo.

Buong maghapon nang walang pahinga si Joy. Kaya ang una niyang sinabi sa komadrona, “Puwede ba muna akong magpahinga? Wala pa ‘kong tulog eh.”

Sinemplang siya ng komadronang si Joan, though in a polite way: “Kaya nga labor ang tawag ma’am.”

Hindi ko na matandaang eksakto ang mga sumunod na linya pero sa tiyak ko, lalagyan siya ng mas matinding panghilab.

Tinanong ni Joy kung mas sasakit pa. Diretso ang isinagot sa kanya: Oo.

Ngumawa si Joy.

Kung maaalala ko ngayon, nakakatawa, pero hindi nuong mga panahong iyon.

Bago pa siya lagyan ng suwero, pumutok na ang bag of water niya.

Nagsisigaw si Joan kay Dra. Lawenko, ang attending physician na nandoon n’ung oras na ‘yon.

“Malapit na!”

Ergo, inayos agad ang delivery area. Sa loob yata ng wala pang dalawang minuto naisaayos ang lahat.

Mula sa silid ni Joy, binuhat namin siya nang marahan. Tumutulo na ang tubig sa sahig. May dugo na rin. Ang tinatawag na bloody show.

Sinabihan ako ni Dra. Lawenko na kumuha na ng damit ng bata. Balik ako agad sa kuwarto, mabilis na pumili ng mga damit.

Pagbalik ko, naririnig ko na ang uha ng isang sanggol. Surreal lahat. Alam kong nakaririnig ako ng uha ng isang sanggol. Fini-figure out ko pa rin: uha na ba iyon ng anak ko? Ng sarili kong dugo?

Pinangarap ko lang nuon ang magka-anak. At ngayon nga, may anak na akong matatawag!

Ang bilis ng mga pangyayari. ‘Yun na nga siguro ‘yung tinatawag nilang kisapmata, o sa isang iglap. Tatay na nga ako!

“Congratulations!”

‘Yun ang una kong narinig na salita mula kay Dra. Lawenko.

Nakahiga pa si Joy, hinang-hina sa paningin ko. Halos namumutla pa nga. Ipinatong ni Joan, ang komadrona sandali sa may dibdib niya si Belle. Patuloy pa rin ito sa pag-uha.

Ilang sandali pa ako naman ang kumarga sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para pa akong natuliro. Kumakabog ang dibdib ko pangangamba – nangangamba kung tama ba ang paghawak ko sa aking anak, na hindi ko dapat masaktan. Na kung ang higpit ba ng pagkakahawak ko’y kulang pa ba o sapat na.

July 26, 2000 ‘yun. Isang gabing umaambon-ambon. Nagtatrabaho pa ako sa isang OFW magazine bilang editor-in-chief. Tamang-tamang katatapos lang ng aming final layout at makakapagpahinga muna ako sa trabaho.

Sa sobrang excitement ko kinabukasan, napabili ako ng mga pink balloons at pink wish-you-well cards.

Eksaktong-eksakto lang ang perang dala ko na naipambayad namin. Meron pa kaming pang-taxi pauwi.

Pero hindi maitatatwa na isa iyon sa pinakamahalagang araw sa tanang buhay ko.

Ilang buwan bago ipinanganak si Belle, sa sobrang katuwaan ko’y nakasulat pa ako ng isang tula para sa aking unica hija.

Here it is:


little eve, make way for little eve!

it all began with a heartbeat,
pumping furiously;
the valve’s quickening pace shudders,
an excited jump,
a cute little lilt,
like a trumpet’s bugle calling

you made the aural cadences
so i can listen;
but it seemed like you were more worried
about me than i should really be for you,
after all i was palpitating myself,
seeing the obscurity in your hidden conduct;
your explorations coming into fore,
embossed in promises that never laments
of singing fountains

the only thing absorbed were the finiteness
of a cow’s mule to break
a lull

yet…

whatever those thumps were, it jolted me;
i know you have to be there, even in my senses that cowers

you listened to my heartbeat
more than i listened to yours

with a sheepish smile
you surreptitiously glanced
at papa’s look that betrayed
his feigned courage

you never showed to me the tides
that beckon even in my borrowed slumbers;
i wish i could have discerned more,
to know the absolute knowledge,
the impending joie de vivre

alas!

your news came as a charm;
and i remembered:
was it really your kind i really desired?

or are the polyphonies dancing
in the wake that they themselves
were in offing,
a labyrinth lurking with surprises
and muted giggles?

your sonatina speaks
of the legions of cherubs
that waved their palettes
sprinkled with fecund rainbows;
showers upon showers,
till the rejoicing quake cavorts itself
to stay still with all the elegance
accorded the expectancy
of your soul’s bowl of tasty porridge

or maybe it was you i expected,
right even before the entrance;
an announcement that says
you are mine,
and later on the world’s-

i prayed for you;
a father’s deepest dreams
turning its dimensions that works out
like a stencil
brimmed
with clarity
and brilliant hues;
the colors embedded in a sonnet

daughter of my dreams:
tomorrow will come,
and you and me together will bless
the ground’s soil;
the anguish of our deepest turmoil
will wither soon

the rose’s petal blooming in carnival frolics;
writhing in imbalance;
they would show themselves
in a yellow brick path
– again

daughter of my dreams:
one day we will both ensconce ourselves
full of merriment;
under the orient sun
we will ask the sparrows
to duck grains for our hungry hands:
so we can feed,
not in haste,
but in ways where time
will freeze
for us

cold hands will be no more:

sweet lullabye,
inducing sleep to weary winds
that has transported
a clock’s undoing

all of love:
you are so dear to me…
so precious,
so true…

your name i know not yet;
but your being knows
how lyrics are borne out
of a cymbal’s throng

you will be there, dearest daughter,
you will be there…

you will be there
to be my broken guitar’s
missing string


by don r. Gonzalez
april 26, 2000
(after my wife, joy, told me that we will be having a daughter)


(to be continued…)

Labels: ,

Wednesday, June 07, 2006

"Anemals", Belle's Original Storybook



Just this morning, Belle gave me her ‘book’, all of 7 pages including the cover, attached together with a yellow yarn that she tied herself, entitled “Anemals”. Mama Joy transcribed the word she was dictating per page and assisted her in completing her storybook. I purposely did not change the way she spelt the names of the animals. According to Teacher Ena, her kindergarten teacher, it’s normal for kids her age to spell out words in their raw phonetic sound. I have transcribed a story told to me by Belle last year, she called it “The Boy Who Did Not Want To Go Anywhere.” I’ll try looking for the manuscript and will try to post it here. In the meantime, here’s Belle’s storybook tale…

TO: PAPA

ANEMALS
by
Belle


DOG

Once upon a time there was a dog walking.

LAYON

There was a big lion. He saw a dog walking. He said, “I have a new friend.”

ELEFET


There was an elephant who was so sad. He saw the lion and the dog.

RABET

There was a rabbit who was hopping. He saw the dog, the lion and elephant. He said, “I want to be their friend.”

CAT

“Ohh! I am lonely,” the cat said. He saw some friends and he said, “Yahoo! I have new friends.”

BIRD


“Oh! I love to have friends, what a pleasure to have new friends!” Love, Birdy.


The last two words seem to suggest that the bird was saying his piece through a letter.

The plot is simple picture storybook stuff for preschoolers where conflicts are minimal or still non-existent. Obviously, Belle did this in haste. But even when she was just three years old I was already a witness to seeing her great appetite for reading books and having stories read or told to her. Not content with just one story, it is almost a ritual now when I got home before she goes to bed to tell her the mandatory three stories. You heard it right, three stories. Sometimes she’s specific if she wants an old story or a new story, a funny story or a story with song and dance, a short story or a short short story. The combinations are limitless.

Next time I’ll delve more on this, Belle’s penchant for storytelling.

Labels: ,

Monday, June 05, 2006

Waiting For Zion 6




(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

Picture above: Belle is sleeping with three of her ‘playmates’, her favorite and mine snuggles close to her, Cristina the lavender Teddy Bear.

6.Tali

2:05 p.m.

2:05 p.m. FROM AT BUT:
Wow malapit na yn, exciting!
Praise d LORD.

2:23 p.m. FROM ATE BUT:
Wowo hahaha. Ok a. Dala niya CJ? Sbihen mo magdasal pa siya ke Lord para lumabas na Ivan. Sino b Lord niya?

It’s more or less 12 hours since Joy spotted at home.

O blood show ba tawag d’un?

***

2:40 p.m.

2:40 p.m. FROM ATE BUT:
Ay talaga wow! Oo nga pedya siya Belle.

3:49 p.m.FROM ATE JHE:
Flase alarm ba yun bleeding Joy? Pray lang tayo.

3:43 p.m. FROM BRYAN:
Dp rin b nanganganak.

3:54 p.m.: FROM ATE BUT/ K.BENJIE:
Pray na lang tayo na wag CS, in Jesus’ name normal! Safe delivery for Joy and healthy baby Ivan. (Prayer ni Benjie kanina ‘yan. Amen!)

3:59 p.m. FROM EDONG:
God’s plans r bter dan ours…dts y God doesn’t always say “Yes” 2 every word we say…Sumtimes, He says, “My Child, allow me, I hav a betr way.” Congrats in advance.


Surprise! Surprise!

Nasalubong ko sa baba, pagkagaling sa c.r., si Edong, ang kababata ko sa aming village. Kasama nito ang anak niyang si C.J., na inaanak ko sa binyag.

At siyempre may dala siyang isang kalderong tinola. Pri-nomise na niya kay Joy ‘to noon pa.

Si Dra. Susan Maaño rin, ang pedia ni Belle, ay tinapik ako mula sa likuran.

At ang nakakatuwa talaga ay mas mukha pa silang excited kaysa sa akin!

Umuwi muna sila sa Sterling para iwan si C.J. dahil nga bawal ang bata sa ospital, especially kung below 10 years old.

Ang bango ng amoy ng tinola ni Edong.

Can I eat now?

***

Ano ba ‘to, parang off-topic: Nangangati ang ulo ko. As in, ngayon lang ulit nangati ang ulo ko nang ganito mula nung bata pa ‘ko. (OA).

Nahawa kaya ako kay Belle ng kuto?

Si Belle nagsabi nung isang gabi na parang may gumagapang daw sa ulo niya. Kating-kati.

Eh magkatabi kaming matulog. Yakap niya ‘ko, yakap ko siya. Pati unan namin magkatabi. Kasama na rin d’un sina Cristina (ang paboritong lavender teddy bear ni Belle na paborito ko na rin) Winnie the Pooh badong at isang mahabang bolster.

The past nights ang parating seremonyas nina Joy at Belle kumukuha ng isang scratch paper na coupon bond at magkasunod silang magsusuyod ng buhok.

Nang may dalawang malaking kutong nahuli si Joy kay Belle, sabi ni Belle, mother and father daw.

May nasuyod si Joy na kuto sa buhok niya, ang sabi ni Belle, ‘yun daw ‘yung grandmother.

Nangangati pa rin ang ulo ko.

***

Nabanggit na rin lang ni Dra. Susan ang tungkol sa ligation, di minsang naurirat ang tanong na ito: Gusto niyo na ba talagang magpatali si Joy?

Ako, gusto ko na bang ma-ligate siya? Mahalaga ang consent ng husband. Dahil kung wala daw ang espousal consent ng husband, hindi maaaring matali ang babae.

Kahapon, nang magpa-checkup si Joy at nasa opisina naman ako, tinext niya ‘ko: Anong desisyon sa ligate, tinatanong na ni doktora…

Sinagot ko siya:

Kung ako lang, gusto ko pa ng isa. Pero since mahalaga sa akin ang kalusugan mo, okey lang na pa-ligate.

Pansinin niyo, hindi ko nilagyan ng pa-ligate ka na.

Na para bang nasa in-denial stage ako at gi-nerenalized ko na lahat. Na parang gusto ko bang ipahiwatig na, ikaw, it’s up to you, talaga bang ayaw mo na ng isa pang tsikiting?

Kapag tumuntong na raw ang isang babae sa edad 35 pataas, high risk na ang pregnancy niya. Ibig sabihin, mas mahihirapan na siyang makaranas ng pagbubuntis, o mag-deliver. Mas prone din daw sa complications especially sa mga bata.

31 si Joy nang ipinanganak si Belle. 37 na siya ngayon. Sa tuwing mababanggit ko sa kanya, kahit pahapyaw, na sana may isa pa, mababanggit niya na hindi na niya kakayanin, na baka ikamatay pa daw niya. Parating naka-emphasize ang edad. Sinasabi niya na siguro okay-okay pa daw kung nasa 20’s pa lang siya.

At siyempre, naiintindihan ko ‘yun. Tutal, ‘pag lumabas na si Ivan, may isa na akong boy. So kumpleto na. Puwede nang magpatuloy ang aking lahi.

Pero ang madalas na pumapangibabaw kung bakit kailangang matigil na sa dalawa ay ang isyu ng kalidad. O. more specifically, kalidad ng buhay. Quality of life.

Sa henerasyon naming hanap ang mas emotional stability, siguro nga’y mahalagang matutukan naming nang maayos ang pagpapalaki sa aming dalawang anak.

At siyempre, praktikal. Sa hirap ng buhay ngayon, kakayanin pa bang bigyan nang maayos na buhay ang isisilang pang ikatlong anak? Siguro kung milyonaryo lang ako, walang problema d’un.

Nung nakaraang lingo nakabasa ako ng isang libro kung saan ikuwinento ang natatanging buhay ng isang atleta, si Wilma Rudolph, ang batikang negrang mananakbo na nagkamit ng 3 Olympic gold medals nung 1960 sa Rome. Would you believe na pang-20 siya sa 22 na magkakapatid? (Talk about go and multiply).

Na-amuse ako.

Pero kung talagang susuriin mo ‘yun ang talagang kalakaran nuon dahil miles away pa ang tinatawag na family planning.

Ang mama ko lang, 11 silang magkakapatid.

Siguro eto ‘yung panahon ng mga baby boomers. ‘Yung mga sanggol na isinilang sa pagitan ng dalawang digmaan (World war I at Korean War).

Ang motto ata nuon, “The More The Merrier”. Pero kaakibat ng pag-usbong ng populasyon na rin siguro ang simpleng pamamaraan ng buhay nuon. Wala pang EVAT. Libre pa ang edukasyon. Hindi pa ganuon kataas ang bilang ng mga unemployed. Sentimos o piso lang ang pinag-uusapan pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa pagkain, damit at pabahay.

At siguro nga, dahil nakita ko na ang hirap ni Joy sa pagbubuntis niyang ito, siguro it’s about time I give up on my dreams of a third child. Sa tingin ko mas fair din para sa dalawa kong anak.

Siguro bago pa mas lumalim ang sentimiyento sa usapang ito, putulin na lang natin ang usapan.

Samantala, kailangan ko munang bumaba at tingnan kung ano na ang kalagayan ni Joy sa Labor room.

4:01 p.m. FROM ATE BUT:
Okay yan ang dapat mong gawin to conserve energy. Wg k lang papahatsing sa mga others!

4:10 p.m. FROM EDONG:
Teka muna, pki angat mo yung cover ng caserola bka mapanis bagong lu2 lng un mainit p bka magmoist mya pa cla Bubut tinawagan ko e 2log n c CJ. Mag-eat ka.

***

4:25 p.m.

Kumatok ako ng dalawang beses sa Labor room.

Pagpasok ko, tatlo na silang nag-le-labor!

May signs of discomfort na si Joy.

Sabi ni Me-Anne, nasa active phase na raw.

4 cm na.

***

In fairness, ang sarap ng tinola ni Edong!

Viva la chef!

***

By the way, wala kasing plato, kinain ko na lang sa isang plastic ang kanin na nabili ko sa may kanto.

Busog.

Later I’ll eat more.

***

(to be continued…)

Labels: ,

Filipinos in Five People You Meet In Heaven




A couple of weeks ago, Christine, or Tin-tin, Joy’s cousin who now lives in Canada, gave me as a ‘getting-to-know-you’ present a wonderful paperback, Mitch Albom’s The Five People You Meet In Heaven. This novel made it on The New York Times #1 list for a couple of weeks. The book was also made by Hallmark Entertainment as a made-for-TV movie, starring Jon Voight as ordinary circus Mr. Maintenance, Eddie.

The book, a very feel-good read that never borders on mushy sentimentality, somehow comforts and make us believe that whatever it is we do, no matter how minute or insignificant, affects the life of somebody we might not even know on this earth.

I am bound to compare the scenes I have read in C.S. Lewis’ space trilogy, especially Out Of The Silent Planet to the very premise of this book. While Lewis’ language play is sometimes hard to fathom, Albom’s approach is very simple and reachable. The length and chapters are short and concise. The lessons presented are not didactic. Scenes in some chapters easily conjure memories of the bittersweet past we readers might have had. On hindsight, we are almost forced to make out even our life’s very existence, especially the life we could have been to others we thought were insignificant.

That the Philippines and Filipinos were prominently shown in a couple of chapters increased my interest in reading the book. I greedily devoured this book while waiting for the long queue at the Meralco office while paying our electric bill.

EXCERPTS FROM the novel:

“Tala,” she said, offering her name, her palms on her chest.

“Tala,” Eddie repeated.

She smiled as if a game had begun. She pointed to her embroidered blouse, loosely slung over her shoulders and wet with river water.

Baro,” she said.

“Baro.”

Saya.”

“Saya.”

Then came her cloglike shoes – “bakya” – then the iridescent shells by her feet – “capiz” – then a woven bamboo mat – “banig” – that was laid out before her. She motioned for Eddie to sit on the mat and she sat, too, her legs curled underneath her.

Ka-aliw!

This book definitely is a find. Or, since it was thrown at my lap, a very welcome gift. Try looking for a copy.

Labels:

Sunday, June 04, 2006

Waiting For Zion 5



(NOTE: This series of posts, Waiting For Zion, chronicles my anticipation, my excitement, and even my fears and longings as I await the birth of my second child, Ivan Zion Añonuevo Gonzalez.)

Picture above shows Mama Joy about 5 months pregnant with Ivan and Belle in front of the entrance of Joy’s elementary alma mater, Amuyong Elementary School.


5. No bedpan, please.


It’s almost 6 a.m.

Dinig na dinig ang buhay na buhay na kalsada sa main road – mga harurot ng mga sasakyan – mula sa loob ng OB ward.

Tinanong ko si Nanay kung gusto niya ng kape, oo raw. Bumaba akong super mega groggy, nag-iisip kung paano ako bibili ng almusal: Sa Joe Kuan? Sa 7-Eleven? Umuwi na lang kaya akong saglit sa bahay?

Tutal, pinakamalapit ang 7-Eleven, d’un ako bumili ng hot coffee (butter scotch flavor), hot choco at mga bola-bola siopao plus two bottled mineral water. Nag-dyip lang ako dahil di ko pa kakayaning magmaneho.

Pagbalik ko wala si Nanay sa OB ward.

Humigop na ‘ko ng hot choco. Ngumasab ng siopao. Halos maubos ko.

Di nagtagal bumaba ako ng Labor room.

Nandun na si Nanay.

“Nag-float ang bata. Si Ivan nag-float.”

Meaning, na parang nawala ‘yata sa 3 cm at bumalik, o umatras.

Naalala ko tuloy na kinausap ko si Ivan habang hinihimas-himas ko ang tiyan ni Joy: “Ivan, anak, huwag mo masyadong pahirapan si Mama, ha…”

Na, ano ba ‘tong anak ko, umaatras muna at ayaw magsumiksik?

“P’ano ‘yan,” tanong ko, “nawala ‘yung 3 cm, back to dati?”

Tiningnan ko si Joy.

“Nakatulog nga ako,” sabi niya. So…very un-laborly.

“Eh anong gagawin ngayon?” Ako.

“Hihintayin pa si doktora.” Joy.

Kinulit ko ang attendant na nagbabantay.

“Ibig sabihin ba n’on, false alarm?”

Alas-otso pasado na nang umagang iyon.

“Nagle-labor na ho siya, kaso, irregular pa ho.”

“Eh dinugo na nga ako.” Dagdag ni Joy.

Ki-nompute ko kung ilang oras na kaming nandun, ,ga 2:00 a.m., hanggang 8:00 a.m., so mga 6 hours pa lang.

“’Pag six hours ba normally mabilis na ‘yun?” Tanong ko sa attendant.

“Opo. Mabilis na po ‘yun.”

So, siguro bumubuwelo pa si Ivan.

“Matulog ka na lang muna. Akyat muna ‘ko sa taas.”

So now I’m experiencing this what they call, the “labor waiting game.”

8:36 a.m. FROM ATE BUT:
Basta pray lang tayo ng pray, mmya punta kme dyan, kgising lang ni Matty. Dapat ngayon. C Ivan lumabas pra pareho cla 3rd day of the month ni Matty.

8:48 a.m. FROM ATE BUT:
Me contractions (labor pains) b siya? Kng wala, para siyang si Liz nung naglelabor, kya ininduce.

8:50 a.m. FROM ATE BUT:
Ok. Wait lang tayo malapit na yan.

8:58 a.m. FROM BRYAN, MY BROTHER-IN-LAW:
Kuya nanganak na ba si Ate? Tawag kaw pag nanganak na.

9:37 a.m. FROM TITA CLE:
Pen musta?

9:43 a.m. FROM EDONG, MY KABABATA.
Ok…I will. Mya na lang ako punta jan kc magluluto pa ako ng tinola…k? Kitakits na lang!! Mgttxt ako pag on d way na kami para sundo mo kami sa lobby. K?

10:06 a.m. FROM ATE LANIE:
Hintay lang tayo God will help Joy & Ivan.

11:41 a.m. FROM ATE BUT:
Kumusta na c Joy? Andyan din ba c inay? Tnext n email ko tribo, tita Jo, edong, cecil, ptr. Cris, moji, raru.

11:43 a.m. FROM ATE BUT:
Ok, mya pa kme me trabaho pa c benjie.

***

12:10 p.m. na ngayon.

Parating na daw si Dra. Codilla. Daw.

Well, Lord, be with my mag-ina. Comfort them LORD, cover them with your most precious BLOOD. In Jesus’ name, I pray, Amen!

Dumating na ang lunch. Pork chop and sayote gulay, pinag-iisipan ko pa kung kaainin ko ba o hindi.

Nauubos ko na ang isang malaking C2, isang iced tea bottled drink.

Medyo nangangalay na ang kanang kamay ko sa pagsusulat.

Kakatawag lang ni Ma sa Nurse’s station, ipinag-pray niya ako at in-instruction-an na I should declare my prayers too.

Love you Ma.

Kinumusta ko si Belle, nagdu-drawing daw.

Sa ngayon, gusto ko munang umidlip.

Pero at 12:15, mukhang mahihirapan yata ako, what with all these OJT’s yata (later on I confirmed they were caregivers) doing their rounds, getting the vital signs of the patients confined in the OB ward.

12:37 P.M. from tita cle:
An sbi doctor.

***

1:15 p.m.

1:15 p.m. FOM ATE BUT:
Ano 3 cm. Pa ren? I-induce ba siya?

1:19 p.m. FROM MARILOU, OFFICEMATE KO:
Ok. Sana e makaraos siya agad at wag masyado mahirapan.

1:20 p.m. FROM ATE BUT:
Tanungin mo nga kung me CONTRACTIONS siya. Kung wala I-induce ba siya? O ano b ang nangyayari n?

1:21 p.m. FROM BRYAN
Kuya, nanganak na b c ate?


Naka-idlip ako. Almost an hour.

Sa gutom marahil, kinain ko na ang pork chop at ginisang sayote. Medyo hilaw lang ang kanin at puro taba ang pork chop.

Nakatulog ako.

One line na lang ang battery ng cell phone ko. Kailangan kong i-charge.

***

1:25 p.m.

Ngarag akong bumaba sa Labor room. Parang nakayayamot, siguro dahil medyo nakakahilo ang mga rubber polka dot patterns na nasa sahig sa tuwing pumapanhik-manaog ako sa dalawang palapag. Nasa 3rd floor ang OB ward, nasa 2nd floor naman ang Labor room.

Nalimutan yatang i-lock nung huling pumasok sa Labor room ang pinto at nakapasok ako. Automatic na ang pagtanggal ko ng sapatos, pagsuot ng tsinelas, at paglagay ng apron.

Sa totoo lang, parang amoy anghit na ang apron. Pakiramdam ko nga, pati t-shirt ko amoy anghit na rin. O siguro dahil kahapon pa ng umaga nang huli akong maligo.

Magandang mukha ng isang bagong staff ang sumalubong sa akin, si Me-Anne.

“Maganda-ganda na po ang contractions ni ma’am. Every 10 minutes na po.”

“Talaga.” Biglang nawala ang pagka-ngarag ko.

“Pinalagyan na siya ng pampahilab ni doktora.”

Smiley-faced akong humarap kay Joy. Batid ko sa mukha niya ang pagka-inip, na parang naiinitan pa.

Iwinagayway ko konti ang suot kong apron. Naisip ko, para akong miyembro ng isang choral group.

“’Pag sinabi bang contraction, ano ‘yun?” Tanong ko kay Me-Anne.

“Naninigas na siya.”

In-explain niya sa ‘kin na lumiliit ang pagitan sa bawat contractions. Nagiging, every five minutes. At pag sinabing full na, tuluy-tuloy na. Pag daw nag-six cm na, puwede nang dalhin si Joy sa Delivery room. At about that time din, nandito na marahil ang kanyang doktora na, in fairness, tuluy-tuloy naman daw ang pagmo-monitor sa kalagayan niya.

Napansin ko rin na may isa pang babaeng nagle-labor na rin na nakahiga sa isang kama sa loob. Malaki at patusok na rin ang tiyan niya. Salit-salitan silang binabalikan ni Me-Anne.

“Samahan mo ‘ko sa c.r., naiihi ako,” marahang sinabi sa akin ni Joy, na halos pabulong pa.

Narinig ni Me-Anne ang sinabi niya.

“Gusto mo na lang mag-bed pan?”

Pero mukhang ayaw ni Joy. Ewan ko kung nandidiri siya o na-go-gross-an, pero talagang iniabot niya ang kanang kamay niya sa ‘kin para itayo ko siya.

“Sa c.r. na lang ako iihi.”

“Naku, nag-ko-contractions ka na. Dapat nakahiga ka lang.” Firm si Me-Anne.

Pero para bang mas firm si Joy.

“Kanina kaka-ihi ko lang, sa c.r.”

Sige, eh di kung kaya pa, sige.

Kahit naman sa bahay ganun si Joy. Kahit kailan, kung saan halos lahat ng babaeng buntis sa kulturang Pinoy ay gumagamit ng orinola, hindi ko pa siya nakitaang gumamit, umupo, o tumuwad para umihi sa isa kahit minsan. Kahit hirap na hirap, lalakad siya, or rather, mas bubunuin niyang ihakbang ang mga paa niyang manas na paunti-unti, pa-pulga-pulgada, hanggang marating niya ang toilet bowl. Ano ba itong pakana ni Joy, fetish for hygiene? Haha.

Samakatuwid, inalalayan ko siya papuntang c.r. habang hawak naman ni Me-Anne ang suwero.

Nakaraos din siyang mag-wee-wee.

Naka-more than 15 minutes na ako sa loob ng Labor room. Eh kailangan ko munang umakyat para tingnan kung may message sa tsina-charge kong cell phone.

May sumungaw na ngiti sa mga labi ko nang marinig kong sinabi ni Me-Anne, “Kayang-kaya ‘yan.”

At pagbalik ko, napansin kong hindi na ako nangangarag hakbangan ang pulang polka dots na gomang sahig. Halos dumulas na rin ang kamay ko sa steel railing.

Konting tiis pa.

Na hindi ko tiyak kung sinasabi ko kay Joy o ibinubulong ko sa aking sarili.

***

(to be continued…)

Labels: ,